HIGIT 30 WORKERS HINOSTAGE SA GREENHILLS

UMABOT sa 30 empleyado ang ini-hostage ng isang nag-amok na sinibak na security guard sa pinapasukan niyang mall sa Greenhills, San Juan City kahapon.

Ayon sa inisyal na report ng San Juan City PNP, tinanggal sa trabaho ang suspek na isang security guard kaya binalikan nito ang kanyang head guard at ini-hostage ang 30 empleyado ng Vira Mall.

Agad namang nagresponde ang mga miyembro ng PNP SWAT na kinordon ang lugar at agad pinalabas ang mga taong nasa loob ng mall pati ang mga mamamahayag ay hindi muna pinapasok dahil sa isinasagawang negosasyon ng mga pulis sa nasabing suspek na kinilalang si Archie Paray, 41-anyos, tubong Surigao.

Napag-alaman, ang suspek ay dating security guard ngunit tinanggal na labis nitong dinamdam.

Habang isinusulat ang balitang, nakikipagnegosasyon pa ang mga awtoridad sa nasabing suspek.

Umapela naman si San Juan City Mayor Francis Zamora na huwag munang pumunta sa Greenhills Shopping Mall habang hindi pa klaro ang sitwasyon. (KNOTS ALFORTE)

 

Related posts

Leave a Comment