HEPE, 26 TAUHAN NG SDET PASAY CITY POLICE,  SINIBAK 

pasay1

(NI DAVE MEDINA)

SINIBAK sa puwesto ang 27 pulis kasama ang hepe sa Pasay City Miyerkoles ng umaga kasunod ng isinagawang entraptment operation ng mga operatiba ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) Miyerkoles ng madaling araw sa loob mismo ng kanilang opisina sa Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Pasay City Police Headquarters.

Kinilala ang mga sinibak na pulis sa pangunguna ng hepe ng SDET na si PLt. Ronaldo Frades at ang 26 pang tauhan nito na kinilalang sina  PSMSgt Victor  C. Abalos Jr. ,PSMSgt Marlon M Bongalon, PSSgt Carlo M Sison, PSSgt Nathaniel R Garcia, PSSgt Rigor R Octaviano, PCpl Sajid Anwar E Nasser,PCpl Monsier Navarro; PCpl Frangie O Furton, Pat Dennis T Orola, Pat Anthony P Fernandez, Pat James Paul G Callo; Pat John Mark DG Cruz, Pat Rad B Dranto, Pat Clyde V Tabulog, Pat John Maynard C Tolentino, Pat Lore John R Nicholas,Pat Jess G Dulnuan, PCpl Rodel A Lalimarmo, Pat Christian P Villanueva, Pat Joel Jann M Magallaness at Pat  Jay-ar  O Orquino, PMSgt Jay M Martinez, PMSgt John Vernal M Barraza at PSSgt Jerry A Hernandez, at Jailer na sina PSMSgt John Christopher B Lim, PSMSgt Edwin J Hamor.

Nauna rito ay nahuli ng DEU police officers ang drug suspek na George Revilla at hiningian umano ng P100,000 ang live in partner nito na si Joan Dela Torre para sa kanyang kalayaan.

Nagsumbong naman si Dela Torre sa CITF kaya nagkasa ng entrapment operation laban sa pitong DEU officer.

Dala-dala ni Dela Torre ang marked money  para sa mga pulis ng DEU  pero kinapkapan siya kaya nadiskubreng may entrapment operation at nagsitakas ang mga pulis.

Gayunman, inabutan  ng CITF si Police Corporal Anwar Nasser na kasama sa pakikipagtransaksyon kay Dela Torre kaya  nahuli ito.

Nahaharap ngayon ang naturang mga pulis sa mga kasong administratibo at kriminal, samantalang patuloy na nagtatago ang anim na pulis na sangkot sa extortion.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment