HAPONES HULI SA SHABU; TOY GUN ITINUTOK SA PULIS

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HULI ang isang Hapones ang inaresto matapos tutukan ng toy gun ang mga nagrorondang pulis, Miyerkoles ng gabi

sa Caloocan City.

Alas-10:30 ng gabi, nagmamanman  ang mga parak sa kahabaan ng M. Arce St. Brgy. 75 nang makita ng mga ito si Iku Yamawaki alyas “Sadam”, 25, na nakatambay.

Nang mapuna ng mga ng suspek ang mga parak, naglabas ito ng baril at itinutok sa mga operatiba.

Pinalad  na sana ang suspek  at sinunggaban lamang siya ng mga pulis at hindi pinutukan ngunit  minalas naman nang kapkapan dahil nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet ng shabu at ang kanyang toy gun.

Samantala, alas-8:30 ng gabi nang maaresto ng mga pulis si Victor Soria, 31, pedicab driver, Celso Dumanlang, 32, pedicab driver, at Jaime Lagman, 50, jeepney barker dahil sa pag-aamok at paggawa ng kaguluhan sa kahabaan ng L. Lupa, Brgy. 32.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng shabu nang kapkapan ng mga pulis.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment