GRAPHIC ARTIST KALABOSO SA P.7-M SHABU

shabu300

KALABOSO ang isang graphic artist na nangunguna sa listahan ng top most wanted drug personalities ng Northern Police District (NPD) matapos makumpiskahan ng P700,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City nitong Biyernes ng hapon.

Arestado si Mark Justin Buenafe alyas Baba, 26, binata, ng 353 Marulas A, Brgy. 36, ng lungsod.

Dakong alas-5:05 ng hapon nang ikasa ang operasyon laban kay Buenafe sa Marulas A, Talipapa St., Brgy. 36,  ng lungsod.

Dinamba ng mga parak ang suspek makaraang bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P11,000 marked money.

Humigit-kumulang sa 100 gramo ng shabu ang nasamsam sa nasabing suspek. (ALAIN AJERO)

Related posts

Leave a Comment