GRANADA SA MOTORSIKLO NG PULIS NAHULOG; 1 PATAY, 3 SUGATAN

granada

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISA ang patay habang tatlo ang sugatan makaraang mahulog at sumabog ang itinanim na granada sa motorsiklo ng isang pulis sa Mandaluyong City, Linggo ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Roger Barcelo, ng Barangay Barangka Drive, habang ang mga sugatan ay sina Rogelio Tolentino, 32; Merlina Bag-o, 52; at Edwin Rodas, 34, na mabilis namang naisugod sa Mandaluyong City Medical Center.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Martinez St, South Bound sa harap ng Botanical Garden, ng nasabing lungsod bandang alas-6:30 ng umaga habang sakay si P/SSgt Aldin Saligo sa kanyang motorsiklo patungo sa  Operations Office ng Mandaluyong City Police Station, nang marinig nito na tila may nahulog na bagay mula sa kanyang motorsiklo.

Tumigil umano si Saligo sampung metro ang layo mula sa nahulog na bagay kasunod ng malakas na pagsabog.

Nabatid sa imbestigasyon na bago maganap ang insidente ay marami nang mga  death threat ang natatanggap ng drug operatives ng

mga operatiba ng Mandaluyong City Police Station.

Nangako naman si P/Col. Remigio Sedanto, Chief of Police of Mandaluyong na ibibigay nila ang lahat ng uri ng tulong sa mga biktima sa pamilya ng mga ito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Eastern Police District’s SOCO at Explosive Ordnance Division sa nangyaring insidente.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment