FIL-AM ARESTADO SA CHILD PORN

porn12

INARESTO ang isang Filipino-American dahil sa umano’y pagpapakalat ng mga malalaswang larawan ng mga bata.

Si Joel Pasay, 56, ay inaresto sa Angeles City, Pampanga sa bisa ng warrant of arrest mula sa Amerika. Sinabi ni Manila Police District  Director, Police Chief Superintendent Vicente Danao Jr., nakatanggap sila ng impormasyon na nasa Tondo, Maynila ang suspect kaya’t agad ikinasa ang operasyon ngunit nakaalis na ito patungong Clark sa Pampanga.

Agad namang sumama sa mga pulis si Pasay na may kasong receipt of child pornography sa Nevada. Pinaniniwalaang nagdi-distribute si Pasay ng mga materyales na may child pornography sa US. Noong 2018, napag-alaman na nasa Pilipinas si Pasay kaya agad nag issue ng deportation order ang Bureau of Immigration.

Nakakulong sa Manila Police si Pasay at inihahanda na rin ang desisyon ng Bureau of Immigration pabalik ni Pasay sa Amerika.

 

Related posts

Leave a Comment