EX NI IPE ARESTADO SA P10-M ESTAFA

(NI HARVEY PERZ)

INARESTO ng mga operatiba ng Paranaque Police ang dating ka-live in ng aktor na si Phillip Salvador dahil sa kasong  estafa na isinampa laban sa kanya ng isa niyang investor, Lunes ng hapon  sa Manila Regional Trial Court, branch 27.

Itinurn-over naman ng Paranaque Police  kay PLt. Glenzor Vallejo, hepe ng Manila Police District-Warrant Section si Cristina Bondoc Castillo, alyas Cristina Decena , 56, at residente ng Unit 1Ph2 Le Romphie Condomnium, HV Dela Costa St. Makati City .

Nabatid na inirekomenda ni Judge Teresa Soriaso ng Manila RTC, Br. 27, ang P66,000 piyansa  para sa pansamantalang kalayaan ni Castillo.

Nabatid na si Castillo ay  inaresto ng Paranaque police sa bisa ng warrant of arrest sa harap  ng Paranaque City Hall si Castillo.

Samantala, sa panayam kay Decena, iginiit nito na wala siyang ini-estafa sa nagsampa ng kaso laban sa kanya dahil hawak niya ang ebidensiya na binayaran niya ito ng P10 milyon.

Ang kabayaran ay ginawa ni  Decena sa pamamagitan ng titulo ng lupa na ang value ngayon ay nasa P35 milyon.

Gayunman, iginiit umano ng investor na may kulang pa si Decena na P10 milyon sa kanya kaya nagsampa ng kaso.

Ang naturang kasuhan ay naganap noong 2014.

Nagpahayag naman si Decena nang kahandaan na sagutin ang kaso at tiniyak nito na bubuwelta siya sa kanyang kalaban sa  sandaling idismiss ng korte ang kaso laban sa kanya.

Related posts

Leave a Comment