ENGINEER  KINASUHAN SA PAGPASLANG SA MISIS

crime34

(NI ROSE PULGAR)

KASONG parricide ang isinampa ng Paranaque City Police laban sa inhinyero na pumaslang umano sa sariling misis na nagtamo ng mahigit sa 100 saksak sa iba’t-bang bahagi ng katawan.

Ayon kay Police Col. Rogelio Rosales, hepe ng Paranaque City Police, kinasuhan nila si Noel Torres dahil  lumitaw sa imbestigasyon na siya lamang umano ang itinuturong may dahilan, may history at ng mga sirkumstansya na papatay sa kanyang asawang si Christina.

Magugunitang Hunyo 11 ng hapon, inireport ni Torres sa pulisya at mga kapitbahay na inabutan niya ang kanyang misis na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinumbong din nito sa pulisya na dinistrungka ang kanilang vault pero wala naman nakuhang pera at tanging cellphone lamang ang nawala sa kanilang bahay  na pag-aari ng biktima.

Unang pinaghinalaan ang mga construction worker sa tabi ng kanilang bahay na may kagagawan sa krimen.

Sinabi pa ni Rosales, natunton nila na bago mapatay ang ginang, inireklamo na nito ang mister na si Noel dahil sa pananakit dahil umano sa selos.

Base naman sa panig ni Torres, sinabi ng kanyang abogadong si Atty. Jojo Ticman, na may pruweba na nasa trabaho ang kanyang kliyente nang mangyari ang krimen.

Humiling naman sila ng parallel investigation sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa insidente.

Hihintayin din ang resolusyon ng piskalya ng Paranaque sa isinagawag pagsampa ng nasabing kaso.

 

Related posts

Leave a Comment