EARIST PRESIDENT INAMBUS

earist12

TINAMBANGAN at binaril ang presidente ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) kasama ang kanyang driver sa Paco, Maynila.

Nabatid na tinabihan ng suspect na lulan ng motorsiklo ang sasakyan ng mga biktima at saka pinaputukan nang malapitan sa kahabaan ng Pedro Gil kanto ng Antonio Isip Sr.

Nagtamo ng tama ng bala sa likod si Dr. Editha Pillo habang sa braso naman tinamaan ang kanyang driver.

Ayon kay Police Colonel Erwin Idayag, commander ng Manila Police District station 10, kabilang sa mga posibleng motibo ay ang posisyon nito sa trabaho.

Sinabi ni Pillo na may mga pagtatangka sa kanyang buhay ngunit hindi lubos na maisip kung ano ang dahilan ng mga ito. Wala rin umano siyang ginagawang hindi naaayon sa batas para pagtangkaan ang kanyang buhay.

“Kung sino ka man, ‘di ko alam kung ba’t ginawa mo ‘to sa akin. Wala naman akong kaaway. Sana ma-konsensiya siya,” ani Pillo.

Nagsimula umano siyang makatanggap ng pagbabanta noong 2014 matapos siyang italaga bilang pangulo ng naturang eskuwelahan.

Sa record ng pulisya, pinatay din ang direktor ng EARIST noong 2010 habang ang vice president ay itinumba rin noong 2012.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment