DRUG DEN NA ‘FAMILY BUSINESS’ SINALAKAY

droga9

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang  anim katao kabilang na ang 16-anyos na dalagitang ina  na umanop’y  drug runner  nang maaktuhan ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na gumagamit ng droga  kahapon ng madaling araw  sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas Jayson, 35;  kinakasama nitong si alyas Mary Grace,37 at ang kaibigang si Jhocy, 41, Erasto 41;  kinakasama nitong si Melinda 36 at ang 16 anyos na  batang babae na si alyas Samsam.

Ayon kay Barangay Executive Officer Nestor Del Rosario, pinuntahan nila ang  magkakatabing bahay  matapos magsumbong sa kaniya ang isang tricycle driver tungkol      sa nagaganap na drug session sa  nasabing barangay. Pinauupahan din umano ang bahay sa mga residenteng gusting bumatak ng shabu.

Naaktuhan umano na gumagamit sa isang bahay sina alyas Jayson, 35, kinakasamang si alyas Mary Grace, 37, at kaibigang si alyas Jhocy, 41.

Nasa kuwarto naman ng ibang bahay ang ama ng dalagita na si alyas Erasto, 41.

Inaresto  rin ang kinakasama ni  Erasto na si  alyas Melinda, 36, dahil sa pagpapatakbo  umano ng nito ng drug den, at ayon sa Talipapa Police Station 3 ng QCPD nahuli na rin  siya sa kasong may kinalaman din  sa ilegal na droga noong 2018.

Naabutan din  sa labas ng bahay ang alyas Samsam, na nakuhanan ng sachet ng hinihinalang shabu sa kaniyang bag.

Napag-alamang nagdadala umano ng droga ang dalagita sa Caloocan City para may maipambili ng gatas para sa dalawang taong gulang nitong anak.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment