DRIVERS NABULAGA SA OPLAN HARABAS NG PDEA

drug test12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

MAGKAKASUNOD na isinagawa ang sorpresang drug test sa mga truck drivers ng mga container van  sa Port Area at sa Tondo, Manila.

Ito ang napag-alaman kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Director General Aaron Aquino, makaraang ipatupad ang  panibagong “Oplan: Harabas”   sa pakikipag-uganayan ng ilang ahensya ng gobyerno upang maibaba ang demand ng  illegal na droga ,pagtataguyod ng mga lugar ng trabaho na walang droga.
“We are also doing this to keep track of long haul drivers under the influence  of illegal drugs” , ayon kay Aquino.

Sa pagsasagawa ng  drug test sa mga truck drivers sa dalawang malalaking daungan, ang Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Tondo at Port of Manila sa  South Harbor , Port Area, Manila, ang  Land Transportation Office  (LTO), Land Transportation Franchising  and Regulatory  Board (LTFRB) , Philippine  National Police  (PNP), Bureau of Customs (BOC) ,  Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG),  Manila International Container Port(MICP),  International  Container  Service Terminal Inc., (ICSTI), Asian Terminal Inc., (ATI), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila  Tricycle  Regulatory Office (MTRO) .

Nabatid pa sa PDEA, na may  mga kaugalian ang ilang mga driver na gumamit ng droga upang manatiling gising sa kanilang biyahe kaya  isinailalim sila sa drug screening  dahil nag-ooperate sila ng malalaking sasakyan o heavy duty vehicles at bumabiyahe ng malalayo.

Dahil dito ,ang sinumang truck driver na tumangging  sumailalim sa mandatory drug test  ay irereport sa LTO at ang mga mapapatunayang positibo  sa illegal na droga ay matatanggalan ng lisensya.

Dumating din ang PDEA’s Preventive Education  and Community  Involvement  Service (PECIS) upang magsagawa naman ng on-site counseling  at tutulong  sa pagpapa-rehab sa mga driver na mapapatunayang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga  sa pakikipag-ugnayan na rin sa  Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment