DRIVER SINILABAN NANG BUHAY NI MISIS

SUNOG-7

(NI FRANCIS SORIANO)

ANIMO’Y isang eksena sa pelikula ang sinapit ng isang 22-anyos na public utility driver matapos magtamo ng second degree burns sa leeg at katawan matapos buhusan ng gasolina ng kanyang live-in partner saka sinindihan makaraan ang kanilang mainitan pagtatalo sa Navotas City nitong Biyernes.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang biktima  na si Joselito Macabantad, habang ang suspek ay si Rose Marie Lazaro, 27, live-in partner at kapwa residente sa 308 Chungkang St. Brgy. Tangos South, naturang lungsod.

Ayon kay Balasabas, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-live-in partner matapos akusahan ng suspect ang kanyang live-in partner na tamad sa pagmamaneho ng jeep na nauwi sa pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, ang suspek na sa mga oras na iyon ay may hawak na galon ng gasolina at biglang ibinuhos sa biktima ang laman saka sinindihan gamit ang lighter.

Dito ay mabilis na tumakas ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide, habang mabilis naman inapula ang nasusunog sa katawan ng biktima ng kanyang kapatid na saka mabilis na isinugod sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong sunog sa katawan.

 

Related posts

Leave a Comment