DRIVER NAKITANG PATAY SA TAXI

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG driver ang natagpuang patay sa loob ng kanyang minamanehong taxi sa Barangay Mayamot, Antipolo City, nitong Huwebes.

Nabatid na alas-8:35 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Russeliano Pinili, sa driver’s seat ng kanyang minamanehong Toyota Avanza taxi na may plakang UWL-106, na nakaparada sa Orchids Street, Green Heights Newtown, Barangay Mayamot.

Sa salaysay sa Antipolo City Police ng mga testigong sina Carlito Tijano at Roselito Digayo, bago nadiskubreng patay ay naghatid pa ng pasahero sa naturang lugar ang biktima, Miyerkoles ng gabi.

Gayunman, dahil malakas umano ang ulan at baha na sa lugar ay nagpasya itong manatili na lamang muna doon hanggang sa humupa ang baha.

Nagulat na lamang umano sila nang kinabukasan ay nasa lugar pa rin ang taxi at nang tingnan ay nakitang wala na itong buhay kaya’t kaagad itong inireport sa mga awtoridad.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na namatay sa natural na paraan ang biktima dahil wala namang anumang sugat na natagpuan sa katawan nito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment