‘DI KINAYA; 62-ANYOS PATAY SA HOTEL KASAMA ANG 20-ANYOS

crime

(NI JULIE DUIGAN)

MALAKI ang hinalang uminom muna ng sex pills ang isang 62- anyos na retiradong kawani ng Manila City Hall , makaraang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ,  habang nasa loob ng isang hotel, sa Sta. Cruz, Manila, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Wilfredo Hainto, 62, may asawa ng Francisco Varona St., Tondo, na idineklarang patay dakong alas-8:25 ng gabi.

Base sa imbestigvasyon ni Det.Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 7:00 ng gabi nang mag check-in ang biktima sa Century Pension House sa Rizal Avenue, sa Sta Cruz,  at doon na umano nakipagkita sa 20-anyos na babae.

Salaysay ng babae , nakipagkita umano siya sa biktima , upang manghiram ng P1,000 na sana’y  pambili ng gatas ng kambal na anak.

Habang nakaupo umano sa dulo ng kama ang biktima ay  bigla itong bumagsak at naghahabol ng hininga kaya kaagad nagpasaklolo ang babae sa staff ng hotel na tumulong upang maisugod sa naturang pagamutan ang biktima. Gayunman,  hindi na ito umabot nang buhay.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment