DANCE INSTRUCTOR NAKALIGTAS SA 9 NA BALA

crime85

(NI TJ DELOS REYES)

NAKALIGTAS ang isang dance intructor sa siyam na bala na ibinaon  sa kanyang ng isang lalaki, Sabado ng gabi sa Quezon City. Ligtas na sa anumang panganib ang biktima na nakilalang si  Michael Allan Velasco, 40, residente ng 102 C. Benitez St., Cubao.

Nakilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Ronnie’.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr., hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa Champaca St, Brgy. Pasong Tamo. Nauna rito, nakatanggap ng mensahe ang biktima mula sa kanyang Facebook account na kailangan ni ‘Ronnie’ ang serbisyo ni Velasco bilang dance instructor para turuan ng sayaw ang mga kawani ng isang hardware.

Nagpadala rin ng paunang bayad na P1,000 si ‘Ronnie’ kay Velasco para sa pamasahe ng biktima papuntang Champaca St. mula Cubao.

Pagdating ni Velasco sa Champaca St., nagkita sila ni ‘Ronnie’ at saka inutusan  ng suspek si Velasco na umangkas sa dala-dala nitong motorsiklo.

Dinala  ng suspek ang biktima sa isang open court sa Champaca St. din at saka inagaw ang cellphone ng biktima bago pinaputukan ng siyam na beses.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo habang si Velasco ay dinala sa ospital ng mga tumulong na taumbayan.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment