DALAGITA, 2 PANG BABAE, HULI SA BUY BUST SA MALL 

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

ARESTADO ang lima katao, kabilang ang dalagita, at nakumpiskahan ng P1.3 milyon ng halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib puwersa ng Pasay City Police , Cubao Police Station 7  at Southern Police District (QCPD) sa Karada Entrance ng Mall of Asia  (MOA) Pasay City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ang limang nadakip na sina Jerica Dayao, 26, nakatira sa Blk.6 Lot 6 Kalayaan Homes, Molino, Cavite, Ina Ramos, 23, pyschometrician,  ng

Tramo Pasay City,  Nicole Yamzon , 21 , estudyante,  ng 4598 Casino St. Makati Andre Mojica, 22, call center , nakatira sa 2575 Bonifacio St. Bangkal Makati City, at isang 17-anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon , dakong alas-6:40 ng gabi nang isagawa ang buy -bust operation sa ikalawang palapag ng North Parking Building , Karada Entrance  Wellness Zone, Mall of Asia (MOA) nang nasabing lungsod.

Ayon kay Station Commander Police Lt. Col. Giovani Caliao, noong Oktubre 24 ay nagsagawa ng buy bust operation sa Payatas Road, Quezon City kung saan mayroon silang dalawang lalaking naaresto na hindi na pinangalanan.

Sa ikinasang follow up operation ng Quezon City Police District Station 7, nakuha sa limang drug suspect ang 200 gramo at siyam na pakete ng umano’y naglalaman ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360 000.

Itinuro ng naunang dalawang suspect na nadakip ang limang  na umanoy sinasabing kanila itong pinagkukunan nila ng shabu.

Hanggang sa isa sa mga awtoridad ang nagpanggap na pouser buyer sa mga suspect na bumili ng droga.

Sa aktong iaabot na ng mga suspect sa poseur buyer ang biniling droga ay hindi na nakapalag ang mga ito nang tanggapin ang P200,000 halaga ng boodle money, kabilang ang dalang pirasong P1,000 bills na marked money.

Agad dinala ang mga suspect sa nasabing himpilan ng pulisya  at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Related posts

Leave a Comment