DALAGA TINADTAD, ISINAKO NG BINASTED NA SUITOR

crime12

HINIHINALANG crime of passion ang pagpatay ng isang 23-anyos na lalaki sa babaeng supervisor na matapos saksakin ay isinako at itinago sa bodega sa Muntinlupa City.

Tadtad ng saksak sa ulo at tiyan at halos maputol na ang mga daliri ni Sheva Adare Mae Prementil, assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang at tubong Bukidnon.

Nadiskubre ang bangkay nito sa loob ng sako sa kwarto ng suspect na si Alexander Morpuz, kapitbahay ng biktima, sa Barangay Cupang, Sabado ng umaga.

Tumakas ang suspect matapos nitong iwan ang isinakong biktima.

Pasado alas-3:00 ng madaling araw ay nahagip sa cctv na may lalaking pinaniniwalaang si Corpuz na may hinahatak na sako galing sa bahay ng biktima papunta sa bodega na tinutuluyan ng suspect.

Nadiskubre ng tiyuhin ni Prementil at ama ni Corpuz ang bangkay sa bodega matapos mapansin ng housemate ng biktima na duguan ang kanyang kama.

Sinabi ng pulisya na dating manliligaw ng biktima ang suspect na posibleng binasted at hindi matanggap ang ginawa sa kanya. Anim na buwan pa lamang umanong nakatira ang suspect sa lugar at niligawan ang biktima na isang taon pa lang sa Maynila galing sa kanilang probinsiya.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment