CONSTRUCTION WORKER KINATAY SA BAHAY

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO )

INAALAM na ng pulisya kung sino ang responsable sa pananaksak sa isang construction worker na natagpuan na naliligo sa sarili nitong dugo sa loob ng kanyang tirahan sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si si Ronald Sepida Valdez Jr., 26, construction worker at residente ng No. 141 Blessing St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Base sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang matuklasan ang duguang katawan ng biktima ng nobya nito na si Jeraldine Tolentino na  nakahandusay at tadtad ng saksak sa  leeg   loob ng bahay.

Ayon kay Tolentino, nagpupunta lamang siya sa tahanan ni Valdez tuwing weekend at kung may freetime siya kaya wala siyang nalalaman kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Nagulantang na lamang siya nang buksan nito ang pintuan at tumambad sa kanya ang wala nang buhay na katawan ng nobyo.

Agad naman ipinagbigay alam ni Tolentino ang pangyayari sa mga barangay officials ng Brgy. Bagong Silanganan na siya naman tumawag sa kapulisan.

Patuloy ang pagsisisayat ng mga otoridad sa nangyari krimen at kung ano ang motibo sa pamamaslang kay Valdez.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment