CHINESE NATIONAL  PUMUGA  SA CHINA, HULI SA PINAS

tsekwa

(TEKSTO/PHOTO BY MAYA FELIZA)

ARESTADO ang isang Chinese National na si Xu Wenlu, 54, res sa 36-G,Tower B,ng City Place Square sa Binondo Maynila, matapos magsagawa ng joint operation ang mga operatiba ng MPD-DID sa Pamumuno nina Police, Lt. Col.Melvin Montante, DSOU Chief.Police Major Garman Manabat,DPIOU, at ng Fugitive Search Unit Bureau of Immigration (FSU-BI) Bobby Raquepo kaugnay sa service of warrant of deportation, sa suspek.

Si Wenlu ay naaresto sa City of Dreams sa Pasay City Sabado ng gabi. Nabatid na tumakas ito sa kulungan sa China at ditto nagtago sa Pilipinas dahil sa kasong Article 205 Criminal Law of People’s Republic of China. Nakatakda namang ideport ang suspek patungo sa kanilang bansa upang harapin nito ang kanyang kaso.

Related posts

Leave a Comment