CELLPHONE IPINASOK SA ARI PARA IPUSLIT SA PIITAN

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HINARANG ang isang 39-anyos na bebot nang tangkaing magpuslit ng mobile phone sa Navotas City Jail para sa kanyang asawang nakakulong dahil sa pagkakasangkot sa droga, sa pamamagitan ng pagpapasok nito sa kanyang ari.

Kinilala ang dinakip na si Cherrielyn Tambio, ng Champaca St., Brgy. San Roque na dumalaw sa kanyang asawang si Joey Tambio na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Napag-alamang regular na bumibisita si Tambio sa kanyang asawa at alam nito ang mga patakarang ipinatutupad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ukol sa pagpapasok ng iligal na kontrabando kabilang ang mobile phone.

Nang huling dumalaw si Tambio sa kanyang asawa, nakapuna si JO1 Gennylyn Pinaching nang kakaibang tambok sa bandang ari ng dinakip kaya’t pinaghubad ito at nabuking ang nakapasak na cell phone sa ari nito.

Gayunpaman, paglabag lamang sa mga patakaran ng BJMP ang maaaring ikaso kay Tambio dahil hindi pa nakapagpapasa ang Konseho ng lungsod ng anumang ordinansang magpapataw ng mabigat na parusa sa sinumang magpapasok ng kontrabando sa nasabing piitan.

Related posts

Leave a Comment