CALOOCAN FIRE: 40 PAMILYA NAWALAN NG BAHAY

fire

(NI ALAIN AJERO/PHOTO BY AJ GOLEZ)

TINATAYANG nasa 40 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa Caloocan City Martes ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod ala-1:30 ng madaling araw nang magliyab ang isa mga bahay sa Millionaires Compound, Brgy. 8 at agad na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay na pawang gawa sa light materials.

Dagling itinaas ang sunog sa ikalawang alarma at nadamay na tinupok ng apoy ang isang junk shop at mga sari-sari store.  Idineklarang under control ng ang sunog matapos ang mahigit isang oras.

Nasa P150,000 ang halaga ng ari-ariang naabo.  Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa sa insidente.  Inaalam  pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

Ayon sa nasunugang si Ailine Habana, naalimpungatan sila dahil sa sunog at tumalon sila ng kanyang mga anak sa bintana para makaligtas.

Pansamantalang nanunuluyan sa kalapit na basketball court ang mga pamilyang nasunugan at agad namang nagpaabot ng tulong ang local na pamahalaan ng Caloocan.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment