CALL CENTER AGENT HULI SA MARIJUANA

(NI KEVIN COLLANTES)

BAGSAK sa kulungan ang isang call center agent nang mahulihan ng pake-pakete ng marijuana sa Barangay dela Paz, Pasig City nitong Sabado ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Pasig City Police, lumilitaw na dakong 11:00 ng gabi nang maaresto ang suspek na si Robert Quijano, 36, sa 14 Edward Street, Christine Village, Barangay Dela Paz.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Kaagad namang nag-aplay ng search warrant sa hukuman ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpl Edgar Garcia III , at sa bisa nito ay sinalakay ang naturang lugar.

Mabilis na dinakip at binitbit sa presinto ang suspek nang makumpiskahan ng 13 pirasong zipped locked transparent plastic sachet na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana; isang plastic bag na may lamang di pa tukoy na dami ng suspected marijuana leaves; isang plastic canister na may undetermined quantity ng suspected dried marijuana leaves; isang zipped locked transparent plastic sachet na may lamang mga buto ng marijuana, isang plastic bag na may lamang mga hinihinalang marijuana stalk; at isang pulang timbagan.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Related posts

Leave a Comment