BOMB THREAT SA MAPUA SA MAYNILA, MAKATI

(NI HARVEY PEREZ)

HALOS magkasabay na nakatanggap ng bomb threat ang dalawang sangay ng Mapua University sa Intramuros, Maynila at Makati, Huwebes ng umaga.

Nabatid sa ulat ng Manila Police District-Police Station 5, alas 9:22 ng umaga  nang makatanggap ng text message, ang student council  na si Jose Paulo Napao, ng Mapua-Manila .

Habang alas 9:25 ng umaga  nang makatanggap ng kaparehas na mensahe ang student council na si Vinzwill Christian Subaan, ng Mapua-Makati, na mayroong umanong sasabog sa unibersidad.

Sinuspinde naman ng pamunuan ng Mapua, alas 10 ng umaga  ang klase ng mga estudyante matapos maipabatid  na mayroong bomb threat sa unibersidad.

Sa advisory  nakasaad na “Classes are suspended due to a reported bomb threat. Students and employees are required to vacate the Intramuros and Makati campus now.”

Nabatid na isang estudyante rin ang napaulat na hinimatay matapos na makisabay sa mga nagtakbuhan na estudyante nang malaman ang tungkol sa bomb threat.

Kaugnay nito, sinabi ng pamunuan ng  Mapua na hindi naman masasayang ang araw ng mga estudyante dahil kahapon ay itinuturing nilang “digital day” kung saan ang klase ng mag-aaral ay isinasagawa online.

Nagresponde naman kaagad ang mga tauhan  ng MPD-Explosive and Ordnance Division (EOD) sa Intramuros campus  kung saan alas 11:30 ng umaga nang ideklara itong negatibo sa anumang pagsabog.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment