BLACK PROTEST RALLY SA INARESTONG ‘AKTIBISTA’

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

SUMUGOD ang ilang militanteng grupo sa harap ng  Manila Police District (MPD) headquarters para sa isang ‘black protest’  upang igiit ang pagpapalaya sa tatlong aktibista na inaresto  sa pagsalakay sa tanggapan ng militanteng grupong Bayan, noong Nobyembre 5 ng madaling araw sa Tondo,Maynila.

Nabatid na alas 11 ng umaga nang dumating sa MPD Headquarters ang mga militanyeng grupo pinangungunahan ng grupong Bayan hitbit ang tarpaulins may nakasaad na ” Stop the Attack, Defend People’s Right”.

Kasabay nito, nanawagan din ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga bilanggong politika.
Hiniling ng grupo na itigil ang pag-atake laban sa mga tagasuporta nito at itigil ang pagtatanim ng mga ebidensya sa mga tanggapan ng iba’t ibang organisasyon

Kabilang sa mga inaaresto ng mga pulis sina  Ram Carlo Paculba Bautista, Manila campaign director ng Bayan;  Alma Estrada Moran, secretariat ng Manila Workers Unity, at Reina Mae Asis Nasino, Manila coordinator ng Kadamay

Ang tatlo ay  inaresto sa  pagsalakay ng mga awtoridad sa Bayan Manila office na matatagpuan sa 672 Flora Street, kanto ng Clemente Street sa Tondo ,ala  1:15 ng madaling araw. Noong Nobyembre 5.
Armado ang mga pulis ng search warrant no. 5945 (19) sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at SW # 5944 (19) sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal possession of explosives) na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert, ng Branch 89, nang isagawa ang raid.

Nakakuha rin ang mga pulis ng  ilang sandata, na kinabibilangan ng isang bushmaster caliber 5.56 xm15-E26; dalawang short magazine sa cal. 5.56 mm; 45 pirasong live ammo sa caliber 5.56 mm; isang colt MK4 Series 80 caliber 45; isang magazine para sa caliber 45; walong live ammunitions para sa caliber 45; isang colt automatic caliber 45 na may SN 753234; isang  magazine para sa kalibre 45; walong live ammunition para sa kalibre 45; at dalawang hand grenade.

Nakuha rin naman ng mga pulis  mula sa tanggapan ang mga bag, iba’t ibang uri ng cellphones at mga laptop.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment