BINATILYO DEDO SA BUMAGSAK NA PADER

PATAY-3

HINDI umabot nang buhay sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang mabagsakan nang ginigibang pader sa loob ng isang residential house sa Binondo, Manila noong Biyernes ng hapon.

Idinekalarang dead on arrival ni Dr. Aurelio Ordas dakong 5:01 ng hapon, ang biktimang kinilalang si Sherwin Apable y Gaho,  Magsaysay St., Tondo, Manila dahil sa matinding pagkabasag ng mukha.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Teody Siguen kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng  Manila Police District-Homicide Section, bandang 4:50 ng hapon nitong Biyernes nang mangyari ang insidente sa 525 Unit 3-A, Ritzville Residence sa Muelle de Binondo St., sa Binondo.

Nabatid sa report ng pulisya, isang nagngangalang Donie na pinsan ng biktima ang nagsama sa huli upang magtrabaho sa nabanggit na bahay.

Umaga pa lang umano ay pumasok na ang biktima at nanghiram pa ng maso para gibain ang partition sa gilid ng kuwarto nang biglang bumagsak ang isang malaking slab na tumama sa ulo nito.

Bumagsak na duguan ang biktima, lumobo ang kaliwang bahagi ng pisngi at nagkaroon ng black-eye habang umaagos na dugo sa ilong at sa ulo nito.

Mabilis na isinugod sa pagamutanh ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay.

Gayunman, masusing imbestigasyon ng pulisya ang insidente upang mabatid kung may nangyaring foul play sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

 

Related posts

Leave a Comment