BF SINAKSAK NG UTOL NG GF

stab

(NI MAC CABREROS)

HINDI sukat inakala ng isang lalaki na ang pagsundo nito sa bahay ng girlfriend ang maglalagay sa kanya sa kritikal na kondisyon nang saksakin ng kapatid na lalaki ng kanyang syota sa Marikina City.

Matamang binabantayan ang kalagayan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tama ng patalim sa likod si Julius Lovendico, 24, gas attendant, habang nakakulong ang suspek na si Jayson Gonzales, 29, residente ng Angel Santos St., Brgy. Tumana ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinundo ni Lovendicio ang kanyang girlfriend sa bahay nito para sa isang date alas-5:00 ng hapon ng Sabado.

Sa hindi pa malamang kadahilanan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang
biktima at suspek hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa likod ang biktima.

Agad namang naaresto ng nagrespondeng awtoridad ang suspek  at nakatakdang sampahan ng kaso.

Samantala,  nakaratay din sa ARMMC si Malbert Baguio, 21, construction worker, nang saksakin ng nakainumang sina Joel Aquino Jr., 20 at Gerald Aquino, 24, na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, nag-inuman ang biktima at dalawang suspek alas-8:00 ng gabi nitong Sabado sa Lot 11 Block 73 Katipunan St., Brgy. Concepcion Dos nang saksakin ni Aquino ang biktima. Nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima at inoobserbahan sa pagamutan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment