BEBOT SWAK SA SELDA SA BATO PARA SA BF

HUMANTONG sa karsel ang isang babae nang mabuking na may dala siyang umano’y shabu para sa nakakulong niyang boyfriend nang dalawin niya ito sa piitan, nitong Martes ng hapon sa Malabon City.

Dadalawin na rin sa piitan ang suspek na si Gylin Yumang, ng #3 Gen. San Miguel St., Millionaires Compound, Brgy. 8, Caloocan City, kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bandang alas-5:50 ng hapon, binisita ni Yumang ang kanyang boyfriend sa detention cell ng Malabon City Police Station.

Agad napuna ng suspek ang mahigpit na pag-inspeksyon ng mga jail officer sa mga bagahe.

Nang siya na ang iinspeksyunin ay sinubukan ni Yumang na itago ang isang plastic ng umano’y shabu na nakalagay sa kanyang bulsa.

Gayunman, hindi ito nakalusot at nakuha sa kamay ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.64 gramo at nasa P4,352.00 ang halaga

Napag-alaman, noong huling dalawin ni Yumang ang boyfriend ay dumaing umano ang huli na mahirap ang buhay sa loob ng kulungan at nami-miss ang buhay-laya dahil nangungulila sa sex at shabu. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment