BEBOT NIRAGASA NG TREN

(NI CHERK BALAGTAS)

HINDI pa rin kilala ang babaeng namatay nang salpukin ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Lungsod ng Caloocan, Linggo ng hapon.

Ang nasawi ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-40 taong gulang, may taas na 5’2, katamtaman ang katawan at nakasuot ng gray na t-shirt at floral printed na shorts.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap  alas-5:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa PNR Railtrack na sakop ng Interior 10, Barangay 33 ng nasabing lungsod.

Binabagtas ng PNR train ang nasabing lugar patungo ng Tutuban sa Maynila na ino-operate ni Leo Luares nang masapul ng tren ang biktima at sa lakas ng impact, tumilapon ito ng ilang metro at bumagsak sa basketball court sa lugar.

Mabilis namang isinugod ng mga residente sa lugar ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit hindi na rin pinalad na mabuhay at nasawi rin ganap na alas-8:35 ng gabi.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment