BEBOT NAHULOG SA RILES NG LRT

LRT-5

INIHINTO pansamantala ang operasyon ng LRT-1 nitong Miyerkoles ng umaga nang mahulog sa riles ang isang babaeng pasahero.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Department of Transportation, napag-alamang nahulog ang naturang pasahero sa riles sa Doroteo Jose Station sa Sta. Cruz, Maynila.

Paliwanag ni Jacqueline Gorospe, corporate communications head ng Light Rail Manila Corporation, biglang nahilo ang babae kaya nawalan ng malay at nahulog sa riles.

Dahil dito, itinigil ang operasyon ng LRT-1 para matulungan ang babae na dinala agad sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan.

Balik-normal na ang operasyon ng railway dakong alas-8:00 ng umaga. (KIKO CUETO)

Related posts

Leave a Comment