BEBOT NA INMATE TODAS SA ASTHMA ATTACK

crime44

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang  isang 49-anyos na babaeng person under police custody (PUPC) nang atakehin ng kanyang sakit na hika sa  loob ng piitan ng Manila Police District- Police Station 10, Linggo ng umaga sa  Sta. Ana. Maynila.

Kinilala ni PCMMS Donald Panaligan ng MPD-homicide dection ang biktima na si  Angelita Bisa, ng no. 2141 Interior 3 Jesus St., Barangay 834, Zone 91, Pandacan, Maynila, na idineklarang patay dakong alas 11:20 ng umaga.

Nabatid na  alas 3:50 ng madaling araw  nang magreklamo ng paninikip ng dibdib at pagkahilo si Bisa kaya isinugod siya sa nasabing pagamutan ni P/Corporal Lito Laurio.

Kaagad na dinala sa emergency room si Bisa at ilang oras ay
dumating ang mister ni Bisa na si Edgardo, kasama ang anak nila pero nasawi rin ang biktima makalipas ang ilang oras.

Ayon sa pulisya, Agosto 12 nang maaresto ang biktima dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 section 11, kilala bilang Comprehesive Dangerous Drug Act of 2002.

Habang nakakulong lalong lumala ang sakit na hika ng inmate.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment