BEBOT KAKALAS NA SA LIVE-IN PARTNER TINODAS

livein

(NI TJ DELOS REYES)

PAGKAMATAY ang sinapit ng isang babae na nais na hiwalayan ang kanyang live-in partner nito makaraang dalawang beses siyang barilin kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Divina Buere Catina, 24-anyos, walang trabaho, tubong Bicol at residente ng No. 4882 Lower Bayanihan St., Brgy. Commonwealth, QC.

Nakilala naman ang suspek na agad na naaresto ng mga kapulisan na si Regenaldo Bulye Galaygon, , 53-anyos.

Base sa ulat, dakong 9:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong tahanan ng mag-live partner.

Ayon sa kapitbahay ng mag-asawa na si Luie Flores Orica, 28-anyos,   narinig nito na nag-aaway sa loob ng tahanan ang dalawa at makalipas lamang ang ilang minuto ay nakarinig na lamang siya ng dalawang putok ng baril

Nagawang pang makalabas ng biktima sa bahay upang humingi ng saklolo na tinulungan naman ni Orica at siyang nagsugod sa ospital.

Nalaguatan naman ng hininga si Catina habang sumasailalim sa operasyon sa East Avenue Medical Center sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa likuran.

Lumalabas na matagal nang gustong hiwalayan ni Catina ang suspek at posibleng ito ang dahilan kung bakit siya pinagbabaril ng kinakasama.

Narekober mula  sa crime scene ang isang kalibre .45 pistol na may magazine at may laman na na limang bala.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment