BEAUTICIAN NA DADALAW SA BF NA PRESO BINARIL

crimeshooting12

(NI ALAIN AJERO)

HIMALANG nabuhay ang isang beautician matapos barilin sa ulo ng isa sa dalawang maskaradong lalaki habang dadalaw sa nakakulong na kinakasama, sa Malabon City, nitong Biyernes.

Agaw-buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Sheryl Pineda, 48, ng Block 1, Lot 10 Sitio 6, Brgy. Catmon sanhi ng tama ng bala sa ulo habang nakatakas naman ang mga hindi nakilalang maskaradong suspek

Paalis ang biktima kasama ang pamangkin na si Jian Ronquillo sakay ng isang tricycle ala-1:40  ng hapon para dalawin ang kinakasama ni Pineda na nakapiit sa Malabon City Jail, nang bumulusok sa eksena ang mga suspek sa Governor Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy, Catmon.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan nang malapitan sa ulo ang biktima.

Sa pag-aakalang todas na ang biktima ay tumalilis ang mga salarin habang itinakbo ni Ronquillo ang tiyahin sa nasabing ospital.

Isang basyo ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon upang makilala at mahuli ang mga suspek at malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment