BAHAY NG ROOKIE COP NILOOBAN NG MGA ‘BATANG HAMOG’

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

LIMANG kabataan ang nasakote, kabilang ang apat na menor-de-edad, matapos looban ang bahay ng isang bagitong pulis at tangayin ang salapi nito sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Arestado si Jomel Ibabao, 18, ng 2144 Angeles St., habang nasa pangangalaga na ng Social Welfare ang nahuling 14-anyos na nene at tatlong totoy nasa nasa edad 16 at 17 matapos pasukin ang  bahay ni Patrolman Emerson Magallon, 23, nakatalaga sa District Mobile Force ng ­ Northern Police District (NPD) at nakatira sa 453 H. Maple Residence, Rambotan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Bumangon mula sa pagkakahimbing ang pulis para umihi ala-1:50 ng madaling-araw at nagulat nang makita sa loob ng kanyang bahay ang nene at isa sa mga totoy sa loob ng kanyang bahay at nagpulasan nang makita ang parak.

Nang suriin ng pulis ang kanyang mga gamit ay natuklasan niyang wala na ang kanyang Samsung cellular phone at P3,000 salapi kaya’t humingi ng tulong ang pulis sa mga tanod nagresulta sa pagkakasakote kay Ibabao at sa dalawang totoy.

Sa follow-up operation ay nasakote ang nene at isa pang totoy sa Beta Computer shop sa  Francisco St., Brgy. Gen. T. De Leon

Narekober ang nawawalang cellular phone at P500 sa sinikwat na P3,000 sa mga nadakip habang ang P2,500 ay nasa lider na nagngangalang John Axel Pallares, ayon sa mga nadakip.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment