BABAENG THAI LAGLAG SA P1.2-M SHABU

SHABU-22

ARESTADO ang isang babaeng Thai makaraang makumpiskahan ng P1.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa drug buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Pasay City Police dakong alas-12:15 ng hapon nitong Huwebes.

Sa ulat ng pulisya, sa pamumuno ni Chief of Police Col. Bernard Yang, nakipagkasundo ang Thai national na si Narumon Sukkato, 30-anyos, sa police poseur buyer hinggil sa bentahan ng umano’y shabu noong Enero 23 sa isang fastfood restaurant sa Sunset Avenue kanto ng Pacific Drive, MOA Complex, Brgy. 76, Pasay City.

Nang magbigay ng hudyat na naisakatuparan na ang transaksyon, pinagsalikupan nang pinagsanib na pwersa ng PDEA agents, MOA PCP Police operatives at Pasay SDEU, sa pangunguna ni PCpt. Deni Mari O.  Pedroso, ang nasabing suspek.

Nakumpiska ng mga operatiba mula kay Sukkato ang isang  plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 200 gramo ang timbang at P1,200,000 ang halaga.

Ang arestadong suspek na nakadetine na sa Station Custodial Facility ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment