BABAE NA-TRAP, PATAY SA SUNOG

fire

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG babae ang patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Lungsod ng Caloocan, Martes ng hapon.

Natusta na nang matagpuan sa loob ng kanilang sunog nang bahay ang biktimang si Alice Simbulan, 46, ng Barangay 49, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City – Bureau of Fire Protection (BFP), ganap alas – 4:30 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa residential area sa kanto ng 4th Avenue at Nadurata Street sa nasabing lugar.

Agad naman nakaresponde ang mga tauhan ng iba’t ibang brigada kung saan umabot sa 79 firetrucks ang dumating.

Sa lakas ng apoy ay agad na iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out ng 5:42 ng hapon.

Naging pahirapan ang pag-apula ng apoy dahil na rin sa makikipot na daanan patungo sa mga nasusunog na kabahayan.

Ayon kay Arson Investigator FO1 Zoren Cabagay hindi bababa sa 35 pamilya ang apektado ng sunog habang tinatayang nasa P1.2 milyon ang inisyal na halaga ng ari-arian na natupok.

Nang magsagawa na ng mopping operation ay doon na nadiskubre ang bangkay ni Simbulan na nasa banyo ng kanilang bahay.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng BFP upang malaman ang pinagmulan ng apoy.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment