BABAE BINURDAHAN NG SAKSAK SA KATAWAN

(NI LILY REYES)

LABINLIMANG tama ng saksak  sa  iba’t ibang parte ng katawan  ang  tumapos sa buhay   ng isang hindi kilalang babae, Linggo ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa isang saksi, bigla na lang umanong  nagtatakbo ang biktimang nakilala lang sa pangalang  ‘Apple’    palabas galing sa looban ng Agham Road at humingi   ng tulong pasado alas- 9:00 ng  Linggo ng gabi.

Sumakay umano ang babae  at naupo  sa isang nakaparadang  pedicab  makalipas ang ilang saglit ay  nawalan ng malay  ang babae  at bumagsak doon din.

Karamihaan umano ng tama ng saksak ng biktima ay sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Bakas pa ang dugo sa eskinita sa Sitio San Roque kung saan sinasabing nanggaling ang biktima nang dumating ang mga   imbestigador ng Quezon City Police District.

Napag-alamang tatlong araw pa lang umanong  umuupa doon si ‘Apple’ kasama ang asawa na suma-sideline bilang jeepney driver.

Ayon sa may-ari ng paupahan, nakausap pa niya ang asawa ng biktima para sabihin ang nangyari.

Tumanggi raw itong puntahan ang kanyang asawa at baka madamay at patayin din daw siya.

Hinahanap ngayon ng mga pulis  ang asawa ng biktima para makakuha ng karagdagang detalye.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

 

Related posts

Leave a Comment