BABAE BINISTAY NG BALA SA TULAY

TADTAD ng tama ng bala nang matagpuan ang bangkay ng isang babae nitong  Linggo ng gabi sa Navotas City.

Kinilala sa pamamagitan ng identification card ang biktimang si Annaliza Villegas, na natagpuan ng mga enforcer ng Navotas Traffic and Management Office dakong alas-10:50 ng gabi sa Marala Bridge sa North Bay Boulevard, Brgy. North Bay Boulevard South-Proper.

Tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45 anyos ang biktima, nakasuot ng asul na kamiseta, bulaklaking pantalon at tsinelas.

Natagpuan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang apat na basyo ng bala sa crime scene na ipapasa sa Northern Police District (NPD) Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Blangko pa sa kasalukuyan ang pulisya kung sino ang suspek at  hinahanap pa umano  nila ang mga kaanak ng biktima na maaaring makapagbigay-linaw kung bakit ito pinatay. (ALAIN AJERO)

 

Related posts

Leave a Comment