‘ARSONISTA’ SA TONDO FIRE SUMUKO KAY ISKO

arested45

SUMUKO kay Manila Mayor Isko Moreno kahapon ng madaling araw ang umano’y suspek sa panununog ng kanilang bahay na ikinadamay ng 20 kabahayan at ikinamatay ng anim katao na nakulong sa kanilang bahay sa Tondo, Manila.

Sinasabing lulong sa shabu ang suspek na kinilalang c ng Katamanan Ext., Tondo nang sunugin ang bahay na kanilang inuupahan makaraang awayin ang misis niyang si Encarnacion.

Sa nasabing sunog ay nadamay ang kanilang mga kapitbahay na ikinamatay ng mga biktimang sina Odessa Conde, 36, at tatlo nitong mga anak na sina Yhancy kieffer, 8; Yara Courtney, 9, at Yhexel George Nicolas, 10, gayundin ang pinsan ng ginang na si Jean Paul Esguerra, 42, habang huling matagpuan ang bangkay ni Aquilina Romero Javana alyas “Jaqueline”, 44, sa kanilang banyo.

Samantala, sugatan naman ang padre de pamilya na si George Conde, 43, na dumanas ng 3rd degree burns sa katawan at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Batay sa ulat ng Manila Fire ng Bureau of Fire Protection, bandang 2:40 ng madaling araw nang mangyari ang sunog sa Narra St. hanggang sa Katamanan St. malapit sa panulukan ng Yeseco St. sakop ng Barangay 230 at 222 sa Tondo.

Sa report ng BFP, nag-away umano sa hindi pa batid na  dahilanan ng mag-asawang Lotero kaya sinadyang sinunogni Eduardo ang bahay at nadamay ang katabing mga kabahayan.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog at ideklarang fire-out dakong alas-7:14 ng umaga.

Nagsimula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng mag-asawang Lotero.

Sinasabing sinadya ang sunog dahil hinahanap umano ni Eduardo ang nakaaway niyang misis at nang hindi makita ay sinunog ang bahay.

Dakong 8: 45 ng umaga nang huling makita ang bangkay si alyas Jaquelin sa loob ng kanilang banyo. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment