ARMAS ‘DI PA ISINUSUKO NI ERWIN TULFO

ERWIN12

(NI JG TUMBADO)

HINDI pa rin isinusuko ng Radyo Pilipinas anchor na si Erwin Tulfo ang kanyang mga baril sa pulisya sa kabila ng pag-atas ng Philippine National Police (PNP) na isuko ang mga ito.

Ito ang nabatid mismo sa press briefing ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde batay na rin sa report sa kanya ng PNP-Firearms and Explosives Office. Nitong buwan ng Marso nang mapaso na ang License To Own And Possess (LTOPF) ni Tulfo.

Babala ni Albayalde, hindi na dapat paabutin ni Tulfo na gumawa pa ng operasyon ang pulisya at magpatupad ng search warrant para makuha ang mga baril nya.

Nabatid rin sa opisyal na hindi na rin nag re-apply ang magkakapatid na Tulfo para sila ay bigyan ng police security detail na una nang binawi sa kanila.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi lang ito partikukar sa magkakapatid na Tulfo kundi itoy ipinatutupad sa lahat.

 

Related posts

Leave a Comment