ALYAS ‘BOY POGI’ PINATAY, WINAKWAK ANG MUKHA SA CR

crime12

(NI ALAIN AJERO)

SA banyo natagpuan ang nangangamoy nang bangkay ng isang 46-anyos na ‘poging’ obrero na bukod sa tinadtad ng saksak ay sinira pa ang mukha nito, Huwebes ng hapon sa Caloocan City.

Tadtad ng saksak sa mukha nang matagpuan ang katawan ni Allan Paulo, ng Barrio Sta Rita, North Tala dakong 1:45 ng hapon sa Building 3, Unit 404, 4th Floor, Pabahay ni Binay, Brgy 188.

Nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang Michael Sanchez na nagsabing nakita ang bangkay ng biktima sa Unit 404.

Ayon pa kay Sanchez, hindi niya natagalan ang amoy ng naagnas nang katawan ni Paulo nang madiskubre niya itong nakabulagta sa kubeta ng nasabing unit.

Patuloy sa pag-iimbestiga ang mga pulis upang matukoy ang salarin at malaman ang motibo sa likod ng pamamaslang.

 

Related posts

Leave a Comment