AKYAT BAHAY NAPATAY NG BIKTIMANG PULIS

DEAD MAN

ISANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang kaanib ng Batang City Jail (BCJ) na binaril ng isang miyembro ng Manila Police District (MPD) matapos maaktuhang bitbit ang Apple Ipad na pag-aari ng anak ng  huli sa kanilang inuupahang apartment sa Tondo, Maynila.

Inilarawang nasa 25-30 taong gulang, 5’5 – 5’6 ang taas, nakasuot ng asul na pang-itaas at itim na short pants at mat tattoo sa katawan na “BCJ” ang lalaking nasawi sa Mary Johnston Hospital.

Sa pahayag ni P/SSgt Jeffrey Camacho, ng MPD-Station 10, umuwi siya sa kanilang inuupahang apartment na nasa ika-3 palapag sa 1053 Carmen Planas St., Tondo bandang alas-5 ng hapon ng Linggo upang makipagsaya sa kaniyang pamilya para sa fiesta ng Sto. Niño.

Ilang hakbang na lang siya sa pinto ng kanilang bahay nang makita niyang lumabas ang hindi kilalang lalaki na hawak ang gadget na Apple Ipad ng kanyang anak kaya’t kaagad niya itong hinarang subalit mabilis na tumakbo ang lalaki paakyat sa 4th floor kaya’t nagkaroon ng habulan.

Nang abutan, ayon kay Camacho, bigla na lang siyang hinalihaw ng patalim ng lalaki at masuwerteng hindi siya timaan kaya naman napilitan siyang paputukan ito ng kanyang baril at tinamaan sa tiyan.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang lalaki subalit hindi na umabot na buhay.

Kusang-loob na sumuko sa kanyang mga kapwa pulis si Camacho na isinailalim sa imbestigasyon. (Rene Crisostomo)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment