AIDE NI JUNJUN NAMATAY NA; P1-M REWARD VS KILLERS INILABAS

makati city mpa 12

NAMATAY din makalipas ang isang araw ang executive secretary ni dating Makati City mayor Junjun Binay matapos itong barilin ng hindi pa kilalang gunman sa harap ng bahay sa Barangay Olympia, Makati City, Huwebes ng gabi.

Si Monaliza ‘Monette’ Bernardo, 44, ay namatay sa tama ng isang bala sa kamay na lumagos sa tyan, Biyernes ng gabi.

Kagagaling lamang sa meeting ni Bernardo at nasa harap na ng kanyang bahay nang lapitan ng gunman na sakay ng motorsiklo.

“Kagabi pumanaw ang ating kaibigan, si Monette Bernardo. “No words can describe this tragic loss. Monette was a kind, generous, and compassionate soul whose friendship I treasured and valued deeply,” sabi ni Binay sa kanyang FB account.

Nag-alok naman si dating vice president Jejomar Binay ng P1 milyong reward para sa killer ni Bernardo.

“Umaasa ako na mananaig ang katotohanan at katarungan, at makilala ang nasa likod ng karumaldumal na gawaing ito. Handa akong magbigay ng pabuya na P1 milyon para sa anumang impormasyon na magtuturo sa mga nasa likod ng krimen,” sabi ng dating bise presidente.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment