4 KIDNAPPER TIKLO SA PAGDUKOT SA KAPWA TSINO

arrested

DINAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang apat na Chinese national na sangkot sa kidnapping at serious illegal detention sa tatlo nilang kababayan sa Malate, Manila.

Iniharap ni NBI Director Dante Gierran sa mga mamamahayag ang mga suspek na kinilalang sina Chen Zhimin, Luo Canfeng, Li Jai Huang at Wang Yiping.

Nadakip ang suspek sa pagsalakay ng mga tauhan ng NBI sa isang hotel sa General Malvar St., sa Malate.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang impormanteng Chinese na nagtatrabaho sa offshore gaming o  online games, kaugnay sa pagkidnap at pagdetine umano sa biktimang si Han Yang Liu, offshore gaming employee, ng mga suspek at iginiit na magbigay ng P200,000 at dapat itong personal na i-deliver sa mga kidnapper.

Sa isinagawang entrapment/rescue operation, dalawa pang Chinese national ang nasagip na sinasaktan at pinagbantaan na papatayin kung hindi magbibigay ng halagang P600,000.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at  serious illegal detention sa Manila Prosecutor’s Office. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment