4 CHINESE, VIETNAMESE, PINOY, LAGLAG SA KIDNAPPING

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

KASONG kidnapping at serious illegal detention ang kinakaharap ng apat na Chinese national, isang Vietnamese at isang  Filipino matapos bitbitin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga nadakip na suspek na sina Tan Xiaguang, Zheng Jia Lei ;  Su Zhiwei at Jian Zhou pawang mga Chinese national ; Tran Bui Thu Thuy, isang Vietnamese at ang Filipino na si Virgilio Cuyugan San Juan.
Nabatid sa report ng NBI, nag-ugat sa pagkakadakip ng mga suspek sa tulong ng head security ng Alabang Village sa Muntinlupa City, noong Agosto 5, 2019 kung saan isang biktima ng pagdukot ang natagpuan sa loob ng village.
Ayon sa biktima na nagtratrabaho bilang electrician sa isang Chinese employeer sa isang online company, kinidnap  sila ng mga Chinese national matapos na paghinalaang nagsumbong sila sa mga pulis kaugnay sa illegal activities ng kanilang employer.

Sa salaysay pa ng biktima, galing sila ng Clark, Pampanga at  pauwi na ng bahay nang posasan sila ng kanyang misis at ikinukong ng 10 araw saka tinortyur.

Inilipat din sila sa isang bahay sa 311 Cadena de Amor  St., Ayala , Alabang Village kung saan nagawang alertuhin ang kapitbahay sa pamamagitan ng paghagis ng papel na may mensahe.

 

Related posts

Leave a Comment