31 BEBOT NASAGIP, 39 KATAO DINAMPOT SA PROSTI BAR

PROSTI BAR

NASAGIP ng mga pulis ang 31 kababaihan habang 39 katao ang dinampot makaraang salakayin ng mga awtoridad ang isang bar na hinihinalang ‘front’ ng prostitusyon sa Brgy. Palanan, Makati City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Makati City Police chief P/Col. Rogelio Simon, nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng tip ang kanyang mga operatiba hinggil sa umano’y sexual activity sa loob ng Feelmore Ihaw-Ihaw Atbp Bar sa 1330 Filmore St. sa Brgy. Palanan.

Inabutan sa akto ng mga pulis na pinagsasayaw nang hubo’t hubad ang mga babae habang ang iba ay mahalay ang pananamit.

Natuklasan ding nag-o-operate ang establisimiyento nang walang business permit habang ang mga empleyado ay nagtatrabaho na paso o expired na ang working at health permit.

Sa 39 kataong idinitine, 15 ay mga empleyado ng bar habang ang 22 ay mga guest na kinabibilangan ng Indonesian nationals at dalawang Filipino, na pawang dinala sa Makati City Central Police Station para sa kaukulang profiling at interview. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment