3 PULIS TULOG SA DUTY, KAKASUHAN

(NI KOI HIPOLITO)

NAGSAGAWA ng surprise inspection ang direktor ng National Capital Region Police Office na si PMGen. Guillermo Eleazar, Lunes ng madaling araw sa mga presinto ng mga kapulisan ng nasasakupan ng Southern Police District.

Nahuling natutulog ang dalawang Mobile Patrol officer na kinilalang sina PCpl Eugin Ybasco at PCpl Jayson Monsales na parehong nakatalaga sa isang Police Community  Precinct (PCP) ng Las Piñas Police Station habang naka standby ang mobile ng Police Assistance Desk sa kahabaan ng Alabang Zapote Road, Pamplona Dos sa Las Piñas City.

Sa kasunod din na pag-ikot ng hepe ay namataan naman sa kalapit  ding presinto ang isa pang pulis na nakahiga kaya’t agad itong nilapitan ni Eleazar. Dito na nakumpirma na si PSSgt. Danny Cerbito ay natutulog habang naka-duty bilang desk officer ng Police Community Precinct (PCP2).

Agad na pinadisarmahan ni Eleazar ang mga nasabing pulis at sinabi nito na sisiguruhin niyang makakasuhan ang tatlong pulis ng kasong administratibo at paiimbestigahan din sa kapabayaan o neglect of duty.

Pinagre-report sa kanyang opisina ang mga nasabing pulis kasama ang kanilang hepe at precinct commander.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment