3 PATAY SA NAVOTAS BUY BUST OPS

crime43

TATLONG drug suspects ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy bust operation na naganap sa Navotas City, madaling araw ng Miyerkoles.

Bandang alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang Drug Enforcement Unit sa Barangay NBBS Proper at ikinasa ang operasyon sa tatlong suspect na kinilalang sina Ramil Barrameda alias Arabo; Rodrigo Quisayang alias Bekong , at isang alias “Gurang” at hindi kilalang kasamahan.

Nang maramdaman ang set-up, agad bumunot ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang  mga pulis.

Bumawi ng putok ang mga operatiba na ikinamatay nina Quisayang, Gurang at Barrameda, habang nakatakas naman ang ibang kasama.

Nabawi sa mga nasawi ang tatlong kalibre .45, mga bala at limang sachet ng shabu.

Related posts

Leave a Comment