3 MAGKAKAANAK PATAY, 2 BATA SUGATAN SA TONDO FIRE

(NI HARVEY PEREZ)

HALOS hindi na makilala ang tatlong magkakamag-anak na kinabibilangan ng mag-ina matapos matusta nang hindi malalabas sa nasusunog nilang bahay, Miyerkoles ng umaga sa Honorio Lopez Boulevard, Tondo,Maynila.

Nabatid na  unang napaulat na nawawala ang mga biktimang sina Mara Beneza, 23,  anak niyang si Leo Lance Tequillo, 4, at pamangking si Andrei Tequillo, 5, pero nang maapula  na ang apoy  ay nakita ang kanilang sunog na bangkay  sa loob ng kanilang bahay na magkakayakap.

Sinabi ni Fire Insp. John Jalique, hepe ng Intelligence and Investigation ng Manila Fire Department, may dalawang bata pa na nasa edad 7 at 8 ang nagtamo ng first at second-degree burns sa na isinugod sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ni  FO1 Axel Ramos, ng Manila-Bureau of Fire Protection (BFP), alas  6:17 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang 2-palapag na residential building sa Honorio Lopez Boulevard, sa Tondo.
Sinabi ni   Michelle Bacanza, kaanak ng mga biktima at residente rin sa lugar, hindi nakalabas ang mga biktima  sa nasusunog nilang tahanan.

Naapula ang sunog dakong alas 6:55 ng umaga na  umabot  sa  ikalawang alarma ang sunog.
May  10  bahay na yari sa light materials ang nadamay na masunog , 20 pamilya ang nawalan ng tahanan at aabot sa P50,000 ang napinsalang ari-arian.

Patuloy na iniimbestigahan ng arson ang sanhi ng sunog na hinala naman ng ilang residente sa lugar na sinadya dahil pinaalis na umano sila sa lugar.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment