3 KASAMBAHAY BIKTIMA NG INVESTMENT SCAM; BABAE HULI

ARRESTED WOMAN

(NI ROSE PULGAR)

INARESTO ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang babae matapos ireklamo ng tatlong kasambahay ng pagtakbo ng kanilang perang naipon nang pangakuan sila ng malaking kita sa isang investment, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Police Colonel Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, ang suspect na si Emelda Sagonal, 38, dalaga, tubong Crossing-Dapuyan, San Joaquin, Iloilo.

Ayon kay Simon , inireklamo ang suspect ng kanyang mga biktima na sina Maylyn Cabanda, dalaga, 23; Marita Semorlan, 52, dalaga; at Adelfa Bullo, 53, balo, at pawang mga stay-in sa Mahogany Road, Dasmarinas Village, Makati City.

Batay sa report ng Station Investigation Detective Management Branch ng Makati City Police, sinabi ng mga biktima na nahikayat sila ng suspect na maglagak ng pera sa investment business na kikita umano ng malaki.

Kuwento sa kanila ng suspect na kikita ng P5,000 sa interes kada buwan ang P60,000 nilang investment.

Agad naman naniwala ang tatlong biktima sa matamis na salita lalo’t na nobya ng suspect ang tsuper ng kanilang amo, naglagak si Candaba ng kabuuang P140,000; nagbigay ng P77,000 si Semorlan habang umabot sa P202,000 ang naibigay ng biktimang si Bullo.

Makaraang maibigay ang interes ng kanilang pera para sa isang buwan, hindi na nagawang makapagbigay pa ng pera ang suspect sa mga biktima.

Nang magkita nitong nakaraang Miyerkules dakong alas-6:00 ng gabi sa isang mall sa Ayala Center, Barangay San Lorenzo, Makati, hindi na pinaalis ng tatlong biktima si Sagonal at dinala nila ito sa Police Community Precinct (PCP)-5 para magsampa ng reklamo.

Sasampahang naman ng kasong swindling ang suspect sa Makati City Prosecutor’s Office habang ito ay nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya.

 

Related posts

Leave a Comment