3 HEPE NG NCRPO BINALASA

ncrpo12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BINALASA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga hepe ng tatlong pangunahing lungsod na nasasakupan nito at itinalaga sa iba’t ibang units ng PNP.

Kabilang sa mga tinanggal at inilipat sa bagong posisyon sina dating P/Col.Restituto Blaquera Arcangel, ng Caloocan City na itinalaga bilang bagong acting Chief of Police ng Marikina City.

Si Arcangel ay pinalitan ni P/Col. Noel Realeza Flores, na siya ngayong acting Chief ng Caloocan City Police Office atP/Col. Carlito Malapit Gaces na itinalaga naman bilang acting Chief of  Police ng Valenzuela City sa Northern Police District (NPD).

Binigyang-diin ni NCRPO Director P/MGen Guillermo Eleazar na ang balasahan ay bahagi lamang ng career development program sa hanay ng kanilang mga personnel.

Tiniyak din ni Eleazar  na ang mga  senior police officers na apektado ng balasahan ay handang maglingkod at protektahan ang publiko sa abot ng kanilang makakaya bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin bilang mga tunay na public servants.

Samantala, si P/Col. Redrico Maranan na dating Chief of Police ng Marikina City ay inilipat bilang bagong Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO).

Dinala naman sa lalawigan ng Tarlac si dating Valenzuela City Chief of Police, P/Col. David Poklay bilang  Police Provincial Director ng nasabing lalawigan habang si Arcangel ay inilipat naman na bagong hepe ng Marikina City Police kapalit ni Maranan.

Si Gaces naman na nagmula sa Finance Service ng PNP ay hinirang na bagong acting Chief ng Valenzuela City Police.

 

Related posts

Leave a Comment